THEMES THAT YOU LIKE
Dear Diary☺

I fell inlove once.
I don't believe in happy ever afters.
I don't patronize fairytales.
Cause love is full of lies.

16. Future Surgeon. Tamaraw. Bookworm.

Anonymous asked: Hi ! I need an advice... Can I ?

Sure. What is it? :)

8. June 2013

Alam niyo ba yung kanta na Take a Chance ni Luigi D’ Avola? Shet. Bagay na bagay sakin eh. Promise! Hahaha. Nakakaasar lang kasi bakit kailangan ko pa yun marinig haha. Pinag-uusapan pa lang namin ni Ate Ysa kahapon yung “Taking risk and giving chance”. Tapos grabe haha. Halos lahat talaga connected! Napapaisip tuloy ako. Baka nga dapat ko siyang bigyan ng chance. Pero syempre, nauunahan na naman ako ng takot eh. Paano kung lokohin niya lang ako? Paano kung? Diba ang taray ko puro ako WHAT IF. Hindi ko manlang inisip yung mga pwedeng mangyari. Tapos sa huli ako na naman yung magsisisi at sasabihing IF ONLY. Ang gulo ko!! Ahh. Ktnxbye.

7. June 2013

Ang aga-aga kong maglalabas ng kabitter-an. Naiinis lang ako. HINDI KO MAINTINDIHAN yung mga lalaki. Yung tipong napaka-sweet nila. Tapos sa huli malalaman mo hindi lang pala ikaw yung ginaganon nila. Grabe lang ha.

-

Naiinis ako. Okay selosa na nga ako eh. Tanggap ko naman yun. Takot kasi akong mawala yung mga bagay na gusto ko. Sinong tao ba yung masaya pa kasi nawalan sila? Pero kasi hindi ko lang maintindihan yung mga lalaki pag sila yung may nilalandi na ibang babae, galit pa! Ibabato pa yung mga linya na “Ano ba kita? “Girlfriend ba kita?” “Sino ka ba sa buhay ko?” at syempre kaming mga babaeng nilandi. Mapapaisip na : “Oo nga pala. Sino nga pala ko?” Syet lang ha. Tapos pag kami naman yung may kasamang ibang lalaki nagagalit sila. Minsan parang ang sarap nilang batuhan ng linya na “Boyfriend ba kita?” “Sino ka ba?”

Ewan ang aga-aga nabadtrip lang ako. Nakakainis kasi eh. Hay! Breathe in, breathe out. Ksharebye.

7. June 2013

7. June 2013

“Real men stay dedicated to ONE GIRL.”

Status ng friend ko sa facebook.

Wag kayong kumontra please. Naasar lang ako sa mga ganyan kasi ewan ko. Kasi nga bitter ako. Kasi nga po wala akong lovelife. Pero ayos lang naman yun. Kering keri nga eh hindi ko naman kailangan nun eh. Haha. Shet. Nalayo na ako dun sa gusto kong sabihin haha.

Nakita ko yan sa facebook at automatic na tumaas ang kilay ko. Aba naman kasi naiinis ako kasi hindi ko makita yung REAL MAN NA WALA NG HAHANAPIN NA IBA. Yung tipong ako lang talaga. Naiinis ako eh. Walakampaki. Haha. Meron pa ba kasi talagang lalaki na kaya yung stick to one kuno na yan?

Haha. At may gusto pa akong sabihin matagal ko na itong kinikimkim eh. BAKIT GANUN? BABAE LANG YUNG SINASABIHAN NG MALANDI?

Unang-una lang po sa lahat. MAY INSTANCES naman na lalaki ang lumalandi sa babae. Eka nga “Walang umaasa kung walang nagpapaasa” gawin naman nating iba ha. “Walang lalandi kung walang nagpapalandi”. Nakakastress tapos ay nako! Kung naman kasi matino yung boyfriend niyo (hindi ko po nilalahat) bakit sinasagot pa niya yung text ng babae kung matino iyan hindi na yan magrereply. At wag na wag niyong sasabihin na kasi “Lalaki ako may pangangailangan” bakit porket babae kami wala kaming pangangailangan? Grabe lang.

 

Naiinis lang ako kasi naman diba. Lahat halos ng kaibigan ko puro boyfriend at lovelife ang iniintindi. Hindi manlang intindihin na JUNE NA AT MAGARAL ng mabuti. Nkakastress po. =))) ktnxbye.

7. June 2013

Nainspire lang ako nung friend ko. Gumawa daw ako ng about sa mga zone. Eh malay ko ba tungkol dito. Pero dahil isa siyang goodfriend at wala naman nagbabasa dito kung meron man. Hello sayo haha.

Tara simulan na naten yan A-J zone tayo ha!!

  • A zone a.k.a Friendzone - eto yung zone na wala kaibigan ka lang at dapat mong tanggapin yun na nasayang lang ang effort mo kung meron man. Kaibigan ka lang talaga accept the fact.
  • B zone a.k.a Landianzone- eto yung zone na pumayag kang landiin ka niya. Pero friend ang ending niyan. CAPSLOCK PARA INTENSE NA: “NGANGA”
  • C zone a.k.a Wifizone- girlfriend ka niya. Girlfriend nya yung isa. Girlfriend niya na kayong lahat. MAY KAHATI KA. Parang wifi. SHARE SHARE!! =))
  • D zone a.k.a Kuyazone- eto yung zone na mahirap eh. Sweet sayo yung tao tapos ang ending lang “KAPATID LANG ANG TURING KO SAYO” shet lang ha!
  • E zone a.k.a EDzone- eto nandito tayo lahat sa zone na ito yung tipong napakasweet nung tao tapos malalaman mo lang sa dulo pinaasa ka lang nakakaputa lang yun ha. Ang masakit pa don HINDI LANG PALA IKAW YUNG NILALANDI. Nakakainis tong zone na ito habang tinytype ko to naiinis at may naalala ko.
  • F zone a.k.a fuckyouzone- ginamit ka. Nagpagamit ka kinuha na niya lahat sayo. Ngayon nganga ka. Ginusto mo yan eh haha. Ninang na lang ako ha!
  • G zone a.k.a tinginmalayo- wala hanggang crush ka lang talaga. Nganga. Di ka niya mapapansin.
  • H zone a.k.a holdingzone- eto yung naghihintay ka ng firstmove tapos hinihintay ka din pala niya tas ngayon nganga kayong dalawa tas naunahan ka pa ng iba. Ayun masaya na sila. Lol.
  • I zone a.k.a indianazone- mala INDIANA JONES kayo hanapan ang peg hahaha! =))
  • J zone a.k.a naunahankazone- eto yung zone na WALA NA MAY GIRLPREN NA YUNG CRUSH MO. Ang masama naging way ka pa para maging sila nung gerlpren nya. Ayon parang na fzone ka din. Nagpagamit ka eh. HAHA.

Ikaw anong zone ka?

7. June 2013

7. June 2013

Tips para happy lang ang lovelife : 

  1. Wag na wag kang maiinlove sa mga kabarkada mo. Delikado yan. Olats ka pa niyan pag nagkataon. Dapat chill lang. 
    **Tandaan mo: Mas magtatagal yung samahan ninyo kung magkaibigan lang kayo.
  2. Wag na wag kang maiinlove sa BESTFRIEND mo. Proven to. Nasaktan ka na nga nawala pa yung tao na parang all-in-one na sa buhay mo. Sabi nga nila: “MAY BABAENG BINEBESTFRIEND, MAY BABAENG GINEGIRLFRIEND”
  3. Wag na wag kang mag-aassume. Promise ikaw din. Baka mamaya yung akala mo na text sayo GM pala. Hahaha.
  4. Wag na wag magpapaasa. Sa panahon ngayon hindi lang ang babae ang nagpapaasa pati ang mga lalaki paasa na din.
  5. Wag na wag agad maiinloveOo alam ko modern living na. Pero tae naman kung maiinlove ka agad-agad dahil lang katext mo. Kilalanin mo muna yung tao. Tandaan mo MODERN na nga ngayon ikaw din baka matake advantage ka.
  6. Wag na wag aasa. Magkaiba ang nag-assume sa umasa. Tandaan niyo yan. Kasi pag nag-assume parang sweet lang sayo ganun pero pag PINAASA ka. Ay nako parang may mga promises kuno pa dun haha.
  7. Mag-aral ka na lang. Kesa lumandi ka jan ng bongga. Mag-aral ka na lang. Aba hindi ka ba naaawa sa magulang mo? Hirap na hirap na paaralin ka tapos landi here landi there ang peg mo. Focus ka na lang muna. Sabi nga nila “MARAMING DADATING” Capslock para intense haha.